TITLES

Friday, February 10, 2023

I-ACT AT YOUR SERVICE: Parangal sa mga magigiting na Operatiba at Katuwang na mga Ahensya



Sa kauna-unahang pagkakataon at bilang pagkilala sa kabayanihan at serbisyo sa bansa at ating mga kababayan, bibigyang-parangal ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) ang mga magigiting na operatiba at maaasahang partner sectors nito sa isang seremonya sa ika-13 ng Pebrero 2023 sa SM Mall of Asia Complex, Pasay City.

Mas pinalawig ng IACT at Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay-pansin sa mga magigiting na tauhan ng Task Force na nagpapamalas ng kabayanihan sa pagsagip ng buhay, pagpapanatili ng seguridad, at pagpapakita ng katapatan. Gayundin ang pakikiisa ng iba'tibang sektor at bukod tanging pamumuno at serbisyo ng mga lokal na pamahalaan at katuwang na mga pribadong institusyon.

Bilang kaagapay ng bawat Pilipinong road-users, malaki ang naging papel ng Task Force sa pangangalaga sa seguridad at kaligtasan ng lahat bago pa man dumating ang pandemya.

Naging saksi naman ang iba’t-ibang sektor at mga netizens sa round o’ clock na kahandaan ng I-ACT na magbigay ng serbisyo publiko sa lansangan araw man o gabi. Mula sa simpleng pagtulong sa mga pasahero hanggang sa pagsagip ng nag-aagaw-buhay na road-user, napakaraming kwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon ang natutunghayan ng ating mga mananakay mula sa I-ACT.

Kaya ngayong taon, mas bibigyang pansin ng Task Force ang kabayanihan ng mga tauhan nito at walang sawang pagtulong ng mga ahensyang naging kabahagi nito sa kanyang paglago at pangangalaga sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng parangal na pinagamatang: “I-ACT At Your Service Awards.”

Sa pakikipagtulungan ng SM Supermalls, ang parangal ay inaasahang dadaluhan ng mahigit 150 na mga kawani at pinuno ng DOTr, local government units (LGUs), at iba’t-ibang partner private institutions.

Kaya sa aming mga operatiba at katuwang na mga ahensya, saludo kami sa ipinakita ninyong suporta, kagalingan sa inyong larangan, at suporta sa pangangalaga ng bayan at mga Pilipino.

No comments:

Post a Comment