TITLES

Saturday, September 25, 2021

G pa rin sa buhay ngayong lockdown kasama ang GCash

G pa rin sa buhay ngayong lockdown kasama ang GCash

Maraming pagsubok ang hinaharap natin ngayong pandemya pero kung papanatilihin natin ang pagtutulungan at positibong pananaw sa kabila ng lahat, unti-unti ay makakabangon ang bawat Pilipino. At dahil prayoridad natin na masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa, patuloy nating sundin ang health protocols tulad ng social distancing sa tuwing lalabas tayo ng ating mga bahay at higit sa lahat, ang mabakunahan sa lalong madaling panahon bilang matibay na proteksiyon laban sa COVID-19.

Sa kabila ng lockdown, tuloy pa rin ang buhay at responsibilidad natin tulad ng pagbabayad ng bills, pagbili ng groceries at essential products at siyempre, mahalaga rin na maglaan tayo ng oras para sa ating sarili at mga mahal sa buhay at huwag nating kalimutang magbigay tulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya. 

Sa tulong ng ligtas at mabilis na transaksiyon at serbisyong hatid ng GCash, narito ang ilan sa mga paraan upang mapanatiling ligtas iwas stress ang iyong pang araw-araw na buhay gamit ang GCash app.

I-organisa ang bawat araw na gawain. Mahalaga na masiguro natin na maayos at nababayaran natin ang ating mga bills para maiwasan ang anumang problema sa subscriptions o disconnection service sa cable services, insurance premiums, o tubig at kuryente, Ngayong ECQ, G pa rin magbayad ng bills gamit ang GCash Pay Bills. Higit sa lahat, ligtas mong magagawa ang iyong #adultinglife dahil pwede kang magbayad gamit lamang ang iyong mobile phone habang nasa bahay o saan man. Mayroong higit 600 partner billers nationwide para G na G kang makakabayad ng bills mapa-utilities, insurance, telco, o school fees! Pwede ka ring magbayad gamit ang iyong GCredit at i-scan ang Pay Bill QR Code para G maitawid ang araw araw!

Sagot na rin ng GCash ang cravings at pag-stock mo ng essentials ngayong quarantine gamit ang GLIfe kung saan pwede kang mag-order ng groceries, pagkain, gadgets, at iba pa. Pindutin lamang ang “GLife'' icon sa GCash app at mag-order sa partner merchants ng GCash. Kung mahilig ka sa milktea tulad ng nakararami, pwede kang makakuha ng 20% sa iyong order sa Tokyo Bubble Tea mula August 10-24 at higit sa lahat, kung first time user ka ng GCash at nag-order ka sa Lazada, libre na ang iyong shipping at may P30 off ka pa kapag binayaran mo ang iyong order gamit ang iyong GCash wallet!

Chillax at manatiling konektado. Gamit ang Buy Load feature ng GCash app, hindi mo kailangan pang lumabas para magpa-load sa iyong prepaid SIM. G na G ka nang magpa-load ng prepaid combo load tulad ng GO50 For Students kung saan mayroon kang 1GB load para sa school apps tulad Zoom, 1GB WiFi access, at unli text hanggang 3 days. At hindi lang ‘yan, pwede ka ring makakuha ng P10 discount voucher sa kahit anong Telco network or P20 discount voucher sa Globe Products at TM Promos mula August 1-31. At kung kailangan ng iyong pamilya o kaibigan ng prepaid credits, G na G ang pagpasa ng load gamit ang Share-A-Load, siguraduhin lamang ang iyong PIN para sa ligtas at mabilis na transaksiyon.

Hindi rin natin dapat kalimutang mag-relax at ipahinga ang ating isip para maiwasan ang anumang stress ngayong pandemiya. Pwedeng pwede kang maglaro sa GCash! Pindutin lamang ang “Goama Games” sa dashboard ng app at mamili ng laro o tournament na 24 hours mong pwedeng ma-enjoy. Pwede ka ring sumali sa mga team tuwing paid tournament at manalo ng mga pa-premyo galing GCash.

Tumulong sa nangangailangan. Isa ang GCash for Good sa halimbawa ng bayanihan at pagkakapit-bisig ng mga Pilipino lalo sa panahon ng mga pagsubok at sakuna. Layunin ng GCash for Good na padaliin ang pag-abot ng tulong at donasyon sa mga charities at indigenous group gamit lamang ang GCash app. Kaisa rin ng GCash for Good ang ilang non-government organizations (NGOs) na mayroong magandang layunin at advocacy sa edukasyon, kalikasan, kalusugan, animal welfare, people empowerment at marami pang iba.

G na G din ang pagpapadala ng pera sa iyong kapamilya dahil libre lang ito gamit ang GCash app. Kung nais mo namang magbigay ng good vibes sa iyong mahal sa buhay ngayong ECQ, pindutin lamang ang Send with a Clip sa app at pwede kang mag-send ng pictures para maparamdam ang iyong pagmamahal sa kanila kahit magkakalayo tayo ngayong quarantine. 

Maging handa at ligtas. Gamit ang GInsure sa GCash app at sa halagang P39 kada-buwan para sa health insurance package na hatid nito, abot kaya mo nang mapanatling ligtas ang iyong pamilya lalo sa panahon ngayon. Para mapanitili ang seguridad ng iyong pamilya, extended na ang redemption ng libreng COVID-19 and dengue insurance hanggang Aug 31. At hindi lang iyan, magbibigay din ang GCash Konsulta MD voucher para sa personal na health checkup mula August 15-31. Kung interasado ka namang mag-invest, kayang kaya mo na ring palaguin ang iyong ipon para sa’yo at sa’yong pamilya ngayong pandemic gamit kasama Ginvest sa halagang P50.

Anumang pagsubok ang hatid ng pandemic at sunod-sunod na lockdown, G ka pa ring maging ligtas, protektado, at ipagpatuloy ang bawat araw mo kasama ang GCash!

Bisitahin lamang ang www.gcash.com para sa karagdagang impormasyon.










About GCash
GCash is the leading mobile wallet in the Philippines. Through the GCash app, customers can easily buy load; pay bills at over 600 partner billers in the app; pay at more than 7,000 online partners; send and receive money anywhere in the Philippines; pay using QR codes at over 130,000 partner merchants nationwide; save money while earning interest; and invest money at local and global funds -- all through the convenience of their smartphones.

GCash is part of the portfolio companies of 917Ventures, the largest corporate incubator in the Philippines wholly-owned by Globe Telecom, Inc. GCash was recognized by The Asian Banker (TAB) in 2021 for its outstanding digital financial inclusion programs impacting more than 40 million Filipinos in the country today.



No comments:

Post a Comment